Filtered By: Topstories
News

Cavite-PNP, sablay sa dinakip na suspek sa pagpatay sa taga-media na si Robelita Garcia


Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad sa Cavite kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa mamamahayag na si Robelita Garcia. Pero nang iharap ang suspek sa mga kaanak ng biktima, sinabi nilang hindi iyon ang pumaslang sa kanilang kaanak.
 
Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing inaresto ng Cavite police ang 23-anyos na si Aaron Cruz, na inakalang pumatay kay Garcia, correspondent ng pahayagang Remate.



Pero mismong anak ni Garcia ang nagsabing hindi si Cruz ang pumatay sa kanilang ina.

Naglabas na ng bagong artist sketch ng suspek ang mga awtoridad.

Basahin: Tanza, Cavite police chief relieved from post over journalist killing

Dahil dito, tuloy ang manhunt para matunton ang suspek at ang mastermind sa krimen.

Si Garcia ay binaril ng nakatakas na suspek sa kaniyang bahay sa Bacoor, Cavite nitong nakaraang linggo. -- FRJ, GMA News