Sa Barangay Lipunan, La Paz, Agusan del Sur, isang lalaki ang tumira ng tatlong taon sa tuktok ng puno ng niyog.

Sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), ipinakita kung paanong iniligtas ang lalaki mula sa 60-talampakang puno ng niyog.

Aabot sa 50 miyembro ng La Paz rescue team ang nagtulung-tulong sa pagputol at dahan dahang pagbababa ng puno ng niyog hanggang sa pagliligtas sa lalaki na itinago sa pangalang Caloy.

Alamin sa ulat KMJS kung bakit nga ba tumira ng ganoon katagal sa puno ng niyog ang lalaking binansagang "Taong Puno."

—ALG, GMA News