Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang siyensya ng mga phobia, tatalakayin sa AHA!


T-AHA-kot Ako! (AHA! Fear Episode. October 28, 2012. Sunday 9:15AM)   Multo… dilim… kulog at kidlat…   Marami at iba’t iba ang ating mga kinatatakutan. Maging sa manok at cotton balls, may natatakot!  Pero ano nga ba ang ‘takot’ at saan ito nag-uugat?  Ano-ano ang mga pagbabagong pinagdaraanan ng ating katawan tuwing makakaramdam tayo ng ‘takot’?  May silbi ba ito sa tao?   Aalamin din kung bakit hindi normal ang paulit-ulit at di-maipaliwanag na takot ng ilang tao tulad ng takot sa paa, sa buhok, sa barya, at kung anu-ano pa!    Ang mga phobia na nakasasagabal na sa buhay, may pag-asa pa bang ma-overcome?   Mayroon namang taong wala raw kinatatakutan!  Healthy pa ba ang hindi makakaramdam ng takot?   “T-AHA-kot Ako!” ngayong Linggo sa AHA!, 9:15 ng umaga sa GMA 7.