Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Namatay o pinatay?


Episode on April 16, 2009 Thursday night after Saksi According to the Philippine Overseas Employment Agency, 615,019 Filipinos went abroad to work in 1991. One of them left in April to go to Japan, a 22-year old girl who studied modern dance for three months just to be accepted as an entertainer. Her name was Maricris Sioson. But several months after she left, Maricris' lifeless body was shipped back to the Philippines. The death certificate issued by the hospital where Maricris was brought to in Japan stated that she died of hepatitis. However, when her family opened her coffin, they discovered bruises and stab wounds on her body. What really happened to Maricris? Did she die or was she killed? Helmed by indie filmmaker Ben Garcia, watch a dramatization of Maricris' life that ended in her mysterious death. On April 16, Thursday, join Arnold Clavio investigate questions of the past on Case Unclosed.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Agency, may 615,019 tayong kababayan na nangibang-bansa para magtrabaho noong taong 1991. Isa sa kanila ay umalis noong buwan ng Abril para magtungo sa Japan, isang 22 taong gulang na babaeng nag-aral pa ng modern dance sa loob ng tatlong buwan para mahasa sa pagsasayaw at matanggap bilang entertainer. Siya si Maricris Sioson. Ngunit ilang buwan lang matapos siyang umalis, umuwi na si Maricris. Sa pagkakataong ito, wala na siyang buhay. Ayon sa death certificate mula sa ospital na pinagdalhan sa kaniya sa Japan, hepatitis ang ikinamatay ni Maricris. Ngunit nang buksan ang kaniyang kabaong, nakita ng kaniyang pamilya na may mga pasa at saksak ang kaniyang bangkay. Ano nga ba ang tunay na nangyari kay Maricris? Siya ba'y namatay o pinatay? Sa pagsasadulang pinamahalaan ni indie filmmaker Ben Garcia, tunghayan ang ilang kabanata sa buhay ni Maricris na nagtapos sa misteryosong pagkamatay. Sa April 16, Huwebes, samahan si Arnold Clavio na balikan ang nakaraan. Ang mga tanong ng kahapon, sama-sama nating siyasatin ngayon sa Case Unclosed.
Tags: caseunclosed