Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sasing, microcephali, prawn gatherers


Episode on August 17, 2007 Friday late night after Saksi Sasing: A cure for TB and anemia? Some residents of Inupacan town in Leyte province believe a certain kind of worm called “sasing" has curative powers against tuberculosis and anemia. A sasing looks similar to an earthworm, is white, and lives in mud ground. A resident, Gorgonio Costamiro, says that five years of eating the worm has helped him cope with anemia. Emergency, hosted by Arnold Clavio, examines the claims of the worm’s supposed medicinal properties. Microcephali Crisanto, Edwin, and Alfonso are afflicted with the condition called “microcephali," or their heads are notably smaller in proportion to their bodies. The condition has also affected their brain development and they cannot speak, are said to have a volatile temper, and behave like children. Emergency helps viewers understand microcephali. Prawns Some people in Bacolor, Pampanga lay down thorny wooden traps for prawns, on which they rely on to eke out a living. “Harvesting" the prawns is done by hand and they frequently suffer wounds doing so. Emergency exposes the hardships of prawn gatherers, who include not just adults but children too. Watch these Emergency stories on Friday late night after Saksi, on GMA.
Sasing: Gamot sa TB at anemia? Isang klase ng uod ang pinaniniwalaang alternatibong gamot para sa sakit na tb at anemia sa Inupacan, Leyte. Tinatawag itong sassing. Isa itong klase ng uod na maihahalintulad sa earthworm, kulay puti at nakatira sa ilalim ng putikan. Pero imbes na pandirihan ang uod, kinukuha ito ng mga residente at kinakain dahil nakagagamot daw ito. Ang anemic na si Mang Gorgonio Costamiro, naniniwala sa galing ng sasing. Sa limang taon niyang pagkain ng sasing, naibsan daw ang kanyang sakit. Aalamin ng Emergency ang katotohanan sa likod ng paniniwala ng ilan sa bisa ng sasing. Microcephali Kahit normal ang pangangatawan ng magkakapatid na Crisanto, Edwin at Alfonso, kapuna puna ang kanilang maliliit na ulo. Ang kanilang kondisyon tinatawag na microcephali o pagliit ng ulo. Dahil sa kondisyong ito, apektado ang development ng kanilang utak. Hindi sila nakakapagsalita, madalas bayolente at mistulang mga bata. Paano kaya kapag natali sa kondisyong ito? Ang mga dahilan ng microcephali at paraan para maunawaan ito, tatalakayin ng Emergency. Mangunguha ng sugpo Sa Sugpo nagmumula ang ikinabubuhay ng ilang mga taga Bacolor. Mula sa ilog, nilalagay ang matinik na kahoy kung saan pumupunta at naninirahan ang mga sugpo. Mano-mano ang kanilang pagkuha. Nakalublob ang katawan sa tubig at hinuhuli ang mga ito gamit lang ang mga kamay. Kaya pangkaraniwan na lang ang matinik sa sugpo o masugatan ng matitinik na kahoy. Napag-alaman ng Emergency na hindi lang matatanda ang ganito ang hanapbuhay, kundi maging mga bata. Ang hirap at peligrong pinagdadaanan ng mga batang manunugpo, isisiwalat ng Emergency! Panoorin ang mga kuwentong ito ng Emergeny sa ika-17 ng Agosto, Sabado ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.