Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Love story ng kundoktor at pasahero, magpapakilig sa 'Wagas'


 


Ang nakakaaliw na love story ng isang kundoktor at isang pasahero ang tampok sa WAGAS ngayong Sabado.  Sa bus sila unang nagkatagpo… fastforward  to the wedding: Sa bus din sila ikinasal at nag-viral pa ang kanilang wedding-on-the-bus video!


Si Chester ang kundoktor na batikang babaero.. malupit ang karisma sa mga chicks lalo na sa mga pasahero. Si Julie naman ang bitter-bitteran hopeless romantic na ubod ng taray. Minsang nabigo sa pag-ibig pero umaasa pa rin na darating si Forever.


Pagtatagpuin sila ng tadhana nang magpadeliver ng longganisa ang nanay ni Julie sa bus nila Chester. Taray Queen meets Kundoktor playboy. Dahil late dumating ang bus nina Chester, unang pagkikita pa lang--- natarayan na ni Julie ang binata. Pero iba naman  ang dating sa kanya ng dalaga. Iba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala niya.  Dito na siya nag umpisang manligaw.


Maraming naririnig Si Julie tungkol sa pagiging babaero ni Chester pero nang walang tigil na siyang sinusuyo ng kundoktor, bumigay rin siya. Ngunit habang tumatagal ang kanilang pagsasama-sama madidiskubre ni Julie na hindi lang pala siya ang nahuhumaling sa binata. Hindi lang isa, hindi lang dalawa ngunit halos isang dosenang babae pa!


Paano nga ba mababago ni Julie si Chester? O si Chester ba ang babago kay Julie?  Matapos ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan… sakay ng isang bus, nauwi pa rin ang lahat sa kasalan.  Ito ang journey ng dalawang pusong sumakay sa BIYAHENG FOREVER.

Tampok sina VALEEN MONTENEGRO at BOY2 QUIZON ngayong Sabado 7PM sa GMANEWSTV--- WAGAS!

Tags: plug, pr, wagas