Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Child labor


Episode on January 19, 2008 Saturday, 11:30 p.m. After 20 years in broadcasting, Arnold Clavio and his team from the long-running program Emergency are still able to document surprising cases of child labor around the country. This Saturday night, Sine Totoo features two of these stories, first aired on Emergency: “Mga Batang Nagsusunog" (Copper Kids), a Finalist at the 2008 New York Festivals and the 2007 Asian Television Awards and "Banta ng Tahong" (Mussel Divers), a Finalist at the 2005 Barcelona International Television Festival. "Copper Kids" introduces ten-year old Zenki. Everyday, he visits the garbage dump to scavenge for pieces of electrical wire. To extract precious copper from the wires, he burns them to melt the plastic, exposing himself and the other children to toxic smoke. In one unforgettable scene, an aerosol container explodes, when the children set fire to the copper wires. "Mussel Divers" presents the story of children who dive into the murky waters of the Manila Bay to harvest mussels. Wearing goggles and improvised fins, and breathing from a compressor set-up in their boat, the kids dive 25 feet deep – exposing their very young bodies to extreme underwater pressure. Arnold Clavio and Emergency segment producer Mytee Oliva discuss the health risks faced by these children in their interview with Sine Totoo host Howie Severino. Their award-winning child labor stories air on Sine Totoo Saturday late night over GMA 7.
Matapos ang 20 taon sa industriya ng telebisyon at radyo, nakahahanap pa rin si Arnold Clavio at ang kanyang team mula sa programang Emergency ng mga nakabibiglang storya ng child labor sa bansa. Ngayong Sabado, handog ng Sine Totoo ang dalawa sa mga storyang ito: ang "Mga Batang Nagsusunog" na Finalist sa 2008 New York Festivals at sa 2007 Asian Television Awards at ang “Banta ng Tahong" na Finalist naman sa 2005 Barcelona International Television Awards. Isa ang sampung taong gulang na si Zenki sa mga batang magsusunog. Araw-araw, nangangalakal siya sa tambakan upang humanap ng lumang mga kable ng kuryente. Nilalaman nito ang pinakamahalaga nilang kalakal, ang tanso. Bago maibenta, sinusunog nila ang mga kable. At sa isang matinding eksenang nakunan ng programang Emergency, sumabog ang isang lata habang nagsusunog ang mga bata. Ibang panganib naman ang hinaharap ng batang mananahong. Sumisisid ang mga ito sa maruming tubig ng Manila Bay para mag-ani ng tahong. Suot lamang ang gawa-gawang goggles at fins, at gamit ang hose na nakakabit sa isang compressor, sumisisid ng may 25 talampakan ang mga bata. Iniinda ng mga mura nilang katawan ang maruming hangin mula sa compressor at ang matinding pressure sa ilalim ng tubig. Ikukuwento ni Arnold Clavio at ng kanyang Emergency producer na si Mytee Oliva ang panganib sa kalusugan na hinaharap ng mga bata sa bawat pagsuong nila sa trabaho. Abangan ang kanilang mga kuwento sa Sine Totoo ngayong Sabado ng hatinggabi sa GMA 7.