Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

74-anyos na babaeng maninisid ng barya, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row...
‘Mga Barya ni Lola Maria’
Lunes, August 1, 2016

Pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa dapit-hapon ng kanyang buhay sa edad na 74, patuloy na nagbabanat ng buto si Lola Maria. Sinisisid niya ang pusod ng karagatan para sa kakarampot na baryang inihahagis ng mga pasahero sa Dalahican Ferry Terminal sa Lucena, Quezon.

Mahalaga ang bawat sentimo para kay Lola Maria. May apat na apo kasi siyang binubuhay habang nasa ibang probinsya ang iba niyang anak. Kaya naman pagsikat pa lang ng araw, matiyaga na niyang sinasagwan ang maliit niyang bangka papunta sa pier. Isa hanggang dalawang daang piso ang kinikita niya kada araw depende sa dami ng maghahagis ng barya. Ito ang siyang pinagkakasya ni Lola Maria sa pangunahin nilang pangangailangan lalo na para sa pag-aaral ng kanyang mga apo.

Doble pahirap para kay Lola Maria ang kanyang mga matang unti-unti nang lumalabo maging ang kanyang bangkang madalas nang mabutas at masira. Pero tulad ng pakikibaka niya sa malalakas na alon sa bawat paglaot, patuloy siyang lumalaban para sa kanilang kinabukasan.

Huwag palalampasin ang dokumentaryong “Mga Barya ni Lola Maria” sa Front Row, August 1, 2016, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug