Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

It's Complicated: 'Sa Puso ni Dok' episode 2


SA PUSO NI DOK
Episode 2 :  IT’S COMPLICATED
August 31, 2014

Noong nakaraang linggo, nakilala natin si Dok Dennis sa pagganap ni Dennis Trillo, isang seryosong 
Doktor sa Melchora General Hospital at ang bagong pasok na Doktor na si Dok Gab o Gabrielle dela Cruz sa pagganap ni Bela Padilla. Sa umpisa pa lang nilang pagkikita, tila may koneksyon na ang dalawang doktor kahit pa hindi naging maayos ang kanilang pagkakakilala habang tumutulong sa mga biktima ng isang bus accident.
Pero ngayong linggo, may balakid sa kanilang namumuong pagkakaintindihan--- makikilala ni Dok Gab si Dok Karla sa pagganap ni Stephanie Sol, isang dentista na kababata ni Dok Dennis na may gusto sa kaniya. Makikilala rin ni Dok Dennis si Joemar sa pagganap ni Aj Dee, isang Engineer na nagtatrabaho sa Manila, na boyfriend ni Dok Gab. Bagamat parehong may kani-kaniyang anggulo ng buhay pag-ibig, hindi maiiwasan ang selosan.
Mauudlot ang iringan nila nang magkaproblema sa pasyente---ang anak ni Bea Binene bilang si Loida, isang batang ina na mamamatayan ng anak sanhi ng sakit na tigdas.  Hindi papayagan ng ospital na ilabas ang bangkay ng kaniyang anak hangga’t hindi siya nakakapagbayad.  Sa kawalan ng kakayahang magbayad, nanakawin ni Loida ang anak palabas ng ospital.
Tunghayan kung paano haharapin nina Dok Dennis at Dok Gab ang kani-kaniyang personal na problema, kaakibat ng mga suliraning hinaharap ng ospital ngayong linggo, August 31, 2014, 9:30pm, sa Sa Puso ni Dok, pagkatapos ng Kapuso mo, Jessica Soho!