Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
PUBLIC AFFAIRS WEB EXCLUSIVE

#DangwaGirl, makikilala na ngayong Oktubre

 


Ilang araw din na pinag-usapan online ang kumakalat na larawan ng isang babae na nakitang namigay ng pulang rosas sa lalaki. At dahil bibihira lang ang eksenang ganito, agad itong inulan ng mga komento mula sa netizens. Ang iba’y nagkaroon pa ng isang diskusyon kung tama ba na ang babae ang manligaw sa lalaki?
 






 

Samantala, habang mas dumarami ang nakikibalita sa babaeng tinawag na ng lahat na “Dangwa Girl,” naging isang malaking tanong din kung si Yaya Dub ang babaeng ito?
 




 


Sa video na inilabas ng UST Files, aktwal na nakuhanan si “Dangwa Girl” na namimigay ng bulaklak sa isang UST student.

Kilig na kilig naman ang lalaking nakatanggap ng bulaklak!

Dangwa Girl

Sparks sa DangwaGrabeng sparks sa picture dun sa Dangwa girl na nagbigay ng rose sa UST student, grabe super kinilig yung 2 guys lalo na yung binigyan. Speechless yung barkada nung guy hahahaha. Kung ako din inabutan ng flowers, kikiligin ako kahit guy ako. Sino ka ba Dangwa girl? UST student ka ba? Sana makita kita minsan sa Dangwa kasi feel ko ang ganda mo po. #dangwagirl

Posted by The UST Files on Sunday, September 20, 2015

Halos lahat ay gusto nang malaman kung sino nga ba ang misteryosang babaeng ito! Dahil naging kaabang-abang na rin ang kuwento niya online, tinawag na itong “Dangwaserye,” halintulad sa Kalyeserye ng ALDub.

Sa dinami-rami ng taong nagpupunta sa Dangwa, sino ang mag-aakala na may ganitong nakakakilig na eksena!
 


Pero, sino nga kaya ang misteryosang babaeng ito?


Bukod kay Yaya Dub, ikinakabit din ang pangalan ni Kapuso star, Janine Gutierrez sa nasabing viral photo!



 

Para matapos na ang walang humpay na bulung-bulungan, ipakikilala na namin kung sino nga ba talaga si Dangwa Girl!

Well, mga Kapuso, isa lang naman siya sa pinakamagagaling na aktres ng kaniyang henerasyon ngayon, mula sa angkan ng mga aktor, hindi kaduda-dudang namana niya rin ang husay sa pag-arte ng kaniyang mga magulang! Handa ka na ba?

 


 

Si Janine Gutierrez lang naman si Dangwa Girl! Ngayong Oktubre, gaganap siya bilang si Rosa, ang isa sa mga tindera sa Dangwa na kayang baguhin ang lovelife mo! Excited ka na ba na mas makilala pa siya? Abangan ang kaniyang pagdating sa GMA-7!