Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapuso teen love team na BiGuel bibida sa 'Dangwa'


“Beauty is the Best Revenge” on DANGWA this week
 


Trending araw araw ang first week ng Dangwa kaya lalo pa tayong pakikiligin ni Rosa sa bago niyang misyon ngayong linggo--- ang isa sa mga hottest Kapuso teen love teams, ang  BIGUEL: Bianca Umali at Miguel Tan Felix!
 

Fan na fan ng sikat na matinee idol na Si Josh Corpuz ( MIGUEL TAN FELIX)  si Lia De Guzman ( BIANCA UMALI) at siya ang maswerteng nanalo sa “Best Selfie and Kiss  Josh Corpuz ” online contest. Pero nagulat si Josh ng makita sa personal ang fan. Iba kasi ang itsura niya sa pinadala nitong Selfie.
 

Hindi kagandahan ang itsura ni Lia kaya nang nag-selfie siya para sa online contest nag-pose siya nang natatakpan ang kalahati ng mukha. Sa mismong araw ng promo, umaasa si Lia na mahahalikan niya ang idolo niya pero napahiya siya. Imbes na si Josh, ang aso nito na si Idol ang ipinahalik sa kaniya.
 

Nag-viral ang video ni Lia at sisikat din siya. Isang tao ang nakapanuod ng viral video ni Lia at tutulungan siya para gumanda. Gaganda si Ria, magkakaroon ng confidence at magkakaroon ng pagkakataon na magkita sila ulit si Josh. This time, bilang  ang bagong commercial model na si Sabrina. Ngayon na ba magkakaibigan ang idolo at tagahanga o maghihiganti lang si Lia kay Josh?




Abangan kung paano tutulungan ni Rosa ang puso nina Lia at Josh para magpatawad at umibig. Fall in love every week with the stories to be featured on DANGWA, which airs Monday to Friday at 11 AM before Princess in the Palace on GMA 7.
 
 
Tags: pr, prstory, plug, dangwa