Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lalaking kapit sa patalim para sa pamilya, tampok sa 'Karelasyon'


Kapit sa patalim daw si Michael kaya nagagawa niyang magnakaw. May maipangpagamot lang sa anak at maibigay na panggastos sa kinakasamang si Gina, lihim siyang gumagawa ng mga krimen at nagiging salot sa lipunan.

Iba naman ang istilo ni Aaron. Kapalit ng paghuhubad at pagbibigay ng kakaibang aliw sa internet, kumikita siya ng pera.

Sina Michael at Aaron, magkaibang tao ngunit parehong desperado at gumagawa ng mali para lang kumita ng salapi!

Dahil hindi na pumapatok ang mga ginagawang show ni Aaron sa internet, nag-isip siya ng gimik para sa kaniyang mga parokyano. At sa gagawin niyang bagong video, aalukin niyang makasama rito ang madalas na kapit sa patalim na si Michael.

Tatanggapin kaya ni Michael ang alok na easy money ni Aaron lalo na’t muli na naman siyang maiipit sa matinding pangangailangan ng pera dahil sa anak na may sakit?

Makakaya kayang gawin ni Michael ang mga hihilingin sa kaniya ni Aaron kahit na nakataya na rito ang kaniyang puri at buong pagkatao? Ano ang mangyayari sa relasyon ni Michael kay Gina kapag kumalat ang video at nalaman ito ng maraming tao?

Sa panulat at direskyon ni Adolf Alix, Jr., tampok sina Rodjun Cruz at Diva Montelaba, kasama sina Ken Anderson at internet sensation na si Sebastian Castro, abangan ang mainit na istoryang ito sa "Karelasyon."

Isa na namang kontrobersyal at kakaibang kuwento ang ihahatid sa inyo ni Ms. Carla Abellana kaya tutok na sa GMA ngayong Sabado, November 7, pagkatapos ng Eat Bulaga!

Tags: prstory