Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Katrina Halili and Dr. Hayden Kho sex video controversy


Episode on May 23, 2009 Saturday, 9:30 p.m. Copies of the controversial sex video of Katrina Halilia are spreading like wildfire in the internet and on the the sidewalks. She was purportedly seen on camera taken unknown to her by Dr. Hayden Kho. Katrina claims that she did not know that she was being videotaped by the said doctor. She approached different government agencies. She filed a complaint at the NBI. She also filed a petition to revoke the license of Dr. Kho. Even the Catholic Church and the women's group Gabriela are behind Katrina against Kho and to those who have distributed the said videos. How did these videos spread and who was behind it? What cases will the doctor possibly face because of this fiasco? What cases can be filed against the distribution of sex videos? There are currently two pending motions in Congress concerning this kind of pornography. What is the government's plan to tackle this problem? Mike Enriquez makes a personal interview with Katrina Halili when she went to the Optical Medical Board to file her complaint. Watch out for the revelations that Katrina disclosed to the one and only Imbestigador: She claims to have evidence on the person/s who were responsible for the distribution of the video. The full interview will only be seen in Imbestigador! Despite the full blown controversy, Dr. Kho's camp remains mum about the issue. Will he finally speak out? Don't miss the whole story in Imbestigador right after Kapuso Mo Jessica Soho on GMA.
Kalat na kalat na sa internet at mga bangketa ang kontrobersyal na mga video ng artistang si Katrina Halili. Kasama niya sa video ang diumano'y mismong kumuha nito na si Dr. Hayden Kho. Matagal nang bulung-bulungan ang mga sex videos na ito at ngayon naglipana na ang mga kopya nito. Ang sigaw ni Katrina, hindi niya alam na may kuha silang ganito ng nasabing duktor. Kaya lumapit na siya sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno. Dumulog siya sa NBI para magsampa ng pormal na reklamo. Nagsampa rin siya ng petisyon sa Professional Regulations Commission o PRC para matanggalan ng lisensiya si Dr. Kho. Pati ang simbahan at grupong Gabriela, nasa likod na ng laban ni Katrina kontra kay Kho at sa mga taong diumano'y nagpakalat ng video. Paano nga ba ito kumalat at sino ang may pakana nito? Ano ang mga kasong maaring kaharapin ng duktor dahil sa pangyayaring ito? Ano ang kasong maaaring isampa laban sa mga nagpakalat ng sex videos? Dalawang nakabinbing panukala na ang nasa kamara ngayon tungkol sa uri ng pornograpiyang ito. Ano na nga ba ang plano ng gobyerno hinggil sa problemang ito? Personal na nakapanayam ni Mike Enriquez si Katrina Halili nang magtungo ito sa tanggapan ng Optical Media Board para magreklamo. Abangan ang mga rebelasyong ibinulgar ni Katrina sa nag-iisang Imbestigador. May impormasyon daw siyang pinanghahawakan kung sino ang may kagagawan ng pagkalat ng video. Ang buong panayam tanging sa Imbestigador matutunghayan. Sa kabila ng kontrobersyang pumutok na, nanatili namang tikom ang bibig ng kampo ni Dr. Hayden Kho hinggil sa mga kinasasangkutan niyang isyu. Magbigay na nga kaya siya ng pahayag? Huwag palalampasin ang isa na namang masusing pagsisiyasat ng Imbestigador pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA.
Tags: imbestigador