Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Villa Epifania", dokumentaryo ni Jay Taruc sa 'I-Witness'


“VILLA EPIFANIA”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
Airing date: February 15, 2014



 
In the peaceful town of Sta. Rita in Pampanga, one house stands out because of its architectural design.  Built in the 1930’s, Villa Epifania is sometimes used as a location in some film and TV productions.  Not many know, however, that mystery surrounds Villa Epifania.
 
Many stories have been told about Villa Epifania.  Some say that Japanese soldiers stayed here during World War 2, while others say that some residents of the town were abused within the house.  These are the reasons why people say restless spirits continue to haunt Villa Epifania.
 
As part of his “Lockdown” documentaries on I-Witness, Jay Taruc and his team set up high-tech CCTV cameras in different parts of Villa Epifania and stayed within its walls for several days to try to discover its secrets.
 
Don’t miss I-Witness this Saturday, after Celebrity Bluff.
 
Filipino version

Sa gitna ng tahimik na bayan ng Sta. Rita, Pampanga, isang bahay ang kapansin-pansin dahil sa arkitektura nito.  Itinayo noong 1930’s, ang Villa Epifania ay ginagamit na location sa ilang pelikula at palabas sa telebisyon dahil sa artistikong pagkakagawa nito.  Ngunit sa kabila ng ganda ng Villa Epifania, may makapanindig-balahibo umanong aura sa buong paligid nito.

Kung aalamin ang kasaysayan ng villa, ilang kuwento na ang ipinasa-pasa tungkol dito: naging tuluyan daw ito ng mga sundalong Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig at may mga nagsasabi ring dito inabuso ang ilang residente ng lugar.  Ito ang itinuturong mga dahilan kaya may ilang ’di matahimik na kaluluwa umanong nananatili sa loob ng villa.

Bilang bahagi ng ”Lockdown” series na kaniyang ginagawa sa I-Witness kung saan namamalagi siya sa loob ng isang istruktura sa loob ng ilang araw, samahan si Jay Taruc at ang kanyang grupo sa pagtuklas sa misteryo ng Villa Epifania.  Gamit ang mga high-tech CCTV cameras, susubukan nilang alamin ang mga lihim ng Villa Epifania.

Huwag kaligtaan ang I-Witness ngayong Sabado, pagkatapos ng Celebrity Bluff.
Tags: plug, iwitness