Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Animal cruelty, freebies, food origins, vacation nightmare


Episode on May 2, 2009 Saturday, 8:30 p.m. ANIMAL CRUELTY Kamakailan lang isang blog entry tungkol sa brutal na pagpatay ng pusa ang pumukaw sa atensyon ng karamihan lalong lalo na sa mga animal activist. Ayon sa mga eksperto may matinding pinaghuhugutan daw ang mga uri ng pananakit na ito. Tulad na lang ng 21 taong gulang na si “Mike" na minamaltrato ng kanyang mga magulang at napiling ibunton ang kanyang galit sa mga hayop. Ilan sa kanyang nakagawiang paghihiganti --- ang paglagay sa freezer ng mga kuting o di kaya’y paglunod sa mga ito. LIBRE Sa panahon ng krisis, kailangan nga raw maghigpit ng sinturon. Pero ang mga produkto at serbisyong ating nakagawian, pwede pa rin namang i-enjoy nang hindi nabubutas ang ating bulsa...dahil ang ilan pala sa mga ito puwedeng makuha nang libre! Tulad na lang ng libreng panood ng sine, libreng make over, libreng aerobic classes at libreng pagkain. Kung saan ang mga ito, alamin ngayong Sabado sa Kapuso Mo, Jessica Soho. FOOD ORIGINS Naisip mo na ba kung saan nanggagaling at kung paano pinoproseso ang ilan sa mga paborito mong pagkain? Ang masarap na cinnamon rolls nagmumula pala sa balat ng cinnamon tree. Ang paminta nanggagaling naman sa bunga ng piper nigrum na isang klase ng vine. At ang mga kending gummy bears, paano naman kaya nabibigyan ng hugis at kulay? BAKASYON NIGHTMARE Ang ating bakasyon, puwede rin daw maging bangungot. Dahil kung hindi ka mag-iingat puwede kang makagat ng pating habang nagsu-swimming o di kaya’y malunod. Sa ilang resort naman, usong-uso ang mga nakawan o di kaya’y mga aksidente tulad ng pagkakuryente. Paano nga ba maiiwasan ang pagkakaroon ng vacation nightmare?
Tags: kmjs