Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dalawin ang tahanan ng ating pambansang bayani, si Jose Rizal


Sa pagdiriwang ng ika-152 kaaarawan ni Jose Rizal, dadalawin ng Powerhouse ang tahanan ng pamilya Rizal sa Calamba, Laguna at babalik-tanawin ang buhay ng marahil ay pinaka-tinitingalang bayani ng Pilipinas.

Replika na lamang ang bahay na bato na nakatayo sa 3,704 square meters na lote pero itinuturing pa rin itong national shrine ng National Historical Commission of the Philippines. May-kayang maituturing ang Pamilya Rizal at makikita ang kumportable at maginhawa nilang pamumuhay sa mga mamahaling kagamitan at muwebles na makikita sa bahay. Ang tahanang ito din ang naging saksi sa  kabataan ni Rizal, bago siya nag-aral sa Maynila at nagpaka-dalubhasa sa ibang bansa.

Makakakwentuhan din ni Mel ang apo sa tuhod ni Rizal na si Lisa Bayot. Si Lisa ang nagpapatuloy ng legasiya ng kaniyang Lolo Jose 'pag dating sa edukasyon. Katunayan, siya ang namumuno sa Binhi, isang foundation na nagpapatakbo ng literacy programs para sa mga batang Pilipino.

Samahan si Mel Tiangco sa pagbibigay-pugay kay Jose Rizal sa Powerhouse, Martes, 8:00 PM sa GMA NewsTV.