Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tahanan ng mag-inang Marlan at Miko Manguba, tampok sa 'Powerhouse'


 

 
Like mother, like son. Hindi naman daw mama's boy si Miko Manguba pero malapit talaga sila ng inang si Marlan dahil marami raw silang pagkakapareho gaya na lang ng hilig sa pagpe-perform. Si Marlan ay mahilig sumayaw samantalang si Miko naman ay mahilig kumanta. Aminado ring stage mom si Marlan sa anak lalo na nang sumali ito sa To the Top, ang reality boyband search sa GMA. Mas mahalaga raw sa kanilang pamilya ang "presence" kaysa sa "presents" kaya importante raw na magkakasama sila sa mahahalagang okasyon.
 

 

Pangarap naman ni Marlan ang maging beauty queen noong bata pa pero maaga siyang nakapag-asawa.  Hindi niya inakalang ang pangarap niyang ito ay matutupad nang ihirang bilang  Mrs. World Philippines noong 2014. Suportado siya ng buong pamilya sa  pagsali rito at paggawa ng charity services na tungkulin ng isang beauty queen. 

 

Sa Quezon City matatagpuan ang tahanan ng mga Manguba. Ito’y malawak at may tatlong  palapag. Nagpa-Feng Shui pa umano si Marlan para malaman ang tamang posisyon ng mga kagamitan para pumasok ang suwerte sa kanila.

 
Mediterranean ang tema ng kanilang unang palapag kaya't kulay ginto ang mga makikita rito. Ang kanilang sofa ay mula pa raw sa Italya.
 

 

Sa timog na bahagi ng bahay makikita ang red carpet sa staircase na sumisimbolo raw ng apoy ayon sa Feng Shui.

 
Maging  ang dingding ay pininturahan ng pula para kakulay nito. Tubig naman ang sinisimbolo ng hilagang bahagi ng bahay kaya may painting na waterfalls na makikita rito. 
 

 

Mahilig din daw si Marlan sa chandelier kaya naman ang ceiling ng kanilang staircase may nakasabit na magarbong chandelier samantalang native chandelier naman mula sa Laguna ang makikita sa ikalawang palapag. 

 

Sa ikalawang palapag din matatagpuan ang kanilang music room. Ito raw nag paboritong tambayan ng pamilya at maging ng banda ni Miko na Top One Project o T. O. P. Dito raw sila madalas mag-ensayo mula nang manalo sa GMA 7 reality show na To the Top. 

Orange at green naman ang motif ng master's bedroom na paboritong kulay ni Marlan at kanyang asawa. Mayroon ding massage chair at bed sa loob nito. Laman naman ng walk-in closet ang koleksyon ng mahahaling bags ni Marlan gaya ng Hermes, Goyard at Chanel. 

 

Nasa ikatlong palapag ang kuwarto ni Miko na native naman ang tema. Gawa sa capiz shells ang bintana rito. Napalilibutan din ng mga  sulat at regalo na mula sa fans ni Miko ang buong silid. 

 

 

Ngayong Miyerkules, samahan si Kara David na libutin ang tahanang tubog sa ginto ng mag-inang Marlan at Miko Manguba sa Powerhouse, pagkatapos ng Destiny Rose.

 

 

Tags: pr, prstory