Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Baby Snatching' at 'Kitil' sa Reporter's Notebook


REPORTER'S NOTEBOOK September 11, 2012   BABY SNATCHING Ulat ni Jiggy Manicad Sanggol na na-snatch sa kalsada, supermarket, restaurant o maging sa loob ng ospital. Nagiging kabaha-bahala ang insidente ng pagdukot sa mga sanggol na walang kamuwang-muwang. Sa tala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP, may naitalang tatlong sanggol na dinukot ngayong taon. Ano ang ginagawa ng mga otoridad sa krimeng ito? KITIL Ulat ni Maki Pulido Sa isang bansang itinuring bilang isa sa pinakamasayahin sa buong mundo, isang malungkot na katotohanan ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay. Sa pag-aaral ng Asia Pacific Journal of Public Health, limang Pilipino ang nagtatangkang magpakamatay kada araw dahil sa matinding depresyon. Ngayong Suicide Prevention Awareness Month, susuriin kung ano ang mga programa para rito. May mga kongkretong hakbang ba ang pamahalaan para ito'y pigilan?