Toilet Humor sa Sanib Pwersa
Sumasakit ang tiyan ng iba sa kakatawa kapag ang usapan, nababaling tungkol sa kalagayan ng mga palikuran. Pero ang totoo niyan, isa itong lehitimong isyung kailangang seryosohin at. upuan! Sa katunayan, sa darating na November 19, ipagdiriwang ang World Toilet Day. Layunin nitong bigyan ng karampatang atensyon ang 2.6 bilyong kataong walang maayos at malinis na palikuran sa buong mundo. Dito sa Pilipinas, marami tayong mga kababayan ang araw-araw na pinoproblema ang kanilang kubeta. Katulad na lang ng isang pampublikong paaralan sa Malabon kung saan mahigit apat na libong estudyante ang naghahati-hati sa iisang comfort room. Ang isang komunidad naman sa Navotas, gumawa na lang ng make-shift na mga palikuran para tugunan ang tawag ng kalikasan! At sa mga liblib na bahagi ng Misamis Oriental, luho nang maituturing para sa kanila ang pagkakaroon ng inidoro. Sa pangunguna ni Mel Tiangco at Arnold Clavio, magsasanib-pwersa ang iba't-ibang sektor ng lipunan para tugunan ang masangsang na problema sa mga palikuran ng ilan nating mga kababayan. Sanib Pwersa ngayong Linggo na, 945pm pagkatapos ng Protégé!