Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kumusta na ang Gwaping na si Jao Mapa? Alamin sa 'Tunay na Buhay'




Una niyang pinasok ang pagmo-modelo bago sumabak sa pag-a-artista. Hanggang sa mapasama sa grupong Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso.



Nahuli man ang pagpasok sa nasabing grupo, hindi naman nito napigilan ang kaniyang pagsikat dahil sa kanyang boy-next-door-look. Nasa rurok na siya ng kasikatan nang magpasiya siyang pansamantala iwan ang showbiz noong 2000 para magpokus sa kanyang pag-aaral.



Ngayon, may asawa at mga anak na si Jao at isa na rin siyang pintor. Ating alamin ang kuwento ni Jao Mapa sa Tunay na Buhay.