Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-iibigang langit at lupa ang agwat, tampok sa 'Wagas'


 

“LANGIT AT LUPA”
STARRING EAT BULAGA’s “THAT’S MY BAE” GRAND WINNER KENNETH MEDRANO AND KYLIE PADILLA
 
 
Mayaman si BELLE (KYLE PADILLA), mahirap lang si GEORGE ( EB ‘THAT’S MY BAE’ GRAND WINNER, KENNETH MEDRANO) .  Tipikal na fairytale ang kanilang kwento ---- hindi nakapag-aral at tambay lang si Kenneth, de-yaya at nag-aaral sa exclusive school si Belle.  Parang “Romeo and Juliet” ,  tutol ang buong pamilya ni Belle sa pakikipagrelasyon niya kay George. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, at gaya ng mga kwentong may temang “You and Me Against the World”, pilit na ipinaglaban ng dalawa ang kanilang  pag-iibigan kahit pa  pinaglalayo sila ng buong mundo.
 
 
Ito ang kuwentong magpapatunay na ang pinakamarubdob na pag-iibigan  ay hindi kayang paghiwalayin, at  maging kamatayan man ang humadlang, hindi mapipigilan ang pusong nagmamahalan….
 
 
Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanuod sa isang drama episode ang Eat Bulaga “That’s My Bae” Grand Winner na si Kenneth Medrano kasama si Kylie Padilla ngayong Sabado 7PM sa WAGAS on GMANEWSTV.