Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Si Miss World, LRT Baby at Comedy King sa 'Wish Ko Lang'


WISH KO LANG "LRT Baby," "Miss World" at "Comedy King" Airing Date: July 14, 2012
Si Angel at ang kanyang sanggol na si Lilibeth
Ngayong Sabado, tunghayan ang kwento ni Baby Lilibeth at ang kanyang kakaibang kapanganakan! Noong June 7, nagpasya ang buntis na si Angel na sumakay ng LRT papunta sana sa ospital upang manganak.  Di pa man nakakaabot sa ospital, naipanganak na niya sa bandang Libertad Station ng LRT ang kanyang sanggol sa tulong ng isang nurse na nataon namang nakasakay rin sa tren. Sa estasyon ng tren kung saan siya naipanganak hinango ang pangalan ni Baby Lilibeth.
Miss World 2012 Candidate No. 18 Rufaida Babudin
Matagumpay na nakapasok sa Top 12 ng Miss World Beauty Pageant si Rufaida Babudin. Sa lahat ng mga kandidata, ang kwento ng kanyang buhay ang marahil pinaka-kakaiba at nakakapukaw ng simpatya. 

Dati siyang mamimingwit ng isda at namasukan bilang isang kasambahay bago siya sumabak sa glamorosang patimpalak ng kagandahan. 
 
Ilang eksena mula sa Wish Ko Lang kung saan pinagbigyan ang isang Dolphy fan na makilala ang kanyang idolo
Tampok rin ang isang natatanging tribute para sa nag-iisang Hari ng Komedya. Tunghayan ang mga kwentong ito ngayong Sabado sa Wish Ko Lang, pagkatapos ng Startalk!
Tags: plug, dolphy, missworld,