Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Alden Richards magiging doktor sa 'Wish Ko Lang'


 


Bata pa lang,  ambisyon na raw ni Dalvie ang maging doktor, kaya naman nagsikap siya ng husto para makamit ito. Nang maging ganap na doktor na, inalok sa kanya ang proyektong "Doctor To The Barrio", kung saan madedestino siya sa malayo at liblib na baryo. At madalas sa mga ganitong lugar, kapag may sakit, hindi agad nabibigyan ng atensiyon at lunas. Batid ni Dr. Dalvie ang masaklap na sitwasyon na ito ng ilan nating kababayan, kaya hindi siya nag-alangan sa pagtalaga sa kanya sa Nagbukel, Ilocos Sur. Tungkulin niya raw kasi ang maglingkod sa kapwa, ang mapabuti ang kalagayan at madugtungan ang buhay nila.

Pero hindi lang pala kakulangan ng gamit at gamot ang magiging hamon sa kanya, may ilang residente kasi na hindi pa mulat at tanggap ang modernong panggagamot. Kailangan pa niyang makumbinse at makuha ang tiwala nila para siya ay pakinggan. Umaaligid din ang mga bandido sa bundok na humaharang sa magandang hangarin ni Dr. Dalvie para sa mga tao roon. 

Tunghayan ang pagganap ni Alden Richards bilang Dr. Dalvie Casilang, tampok din sina Dave Bornea, Kenken Nuyad, Rolly Inocencio at Glenda Garcia para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa espesyal na pagtatanghal ng Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.