Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes wishes Riveras vs Dantes on Family Feud


Magsisimula ng mag-host si Dingdong Dantes ng game show sa GMA 7 na Family Feud. At ang kanyang hiling, magkatapat ang kanyang pamilya at ang pamilya ng kanyang nobya na si Marian Rivera. “Gusto ko siyempre yung pamilya ko first versus sa pamilya ni (Marian) Rivera," nakangiting pahayag ni Dingdong sa ulat ni Audrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Pinalitan ni Dingdong bilang host ng Family Feud si Richard Gomez na tatakbong kongresista sa Samar sa May 2010 elections.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon sa ulat, halatang enjoy si Dingdong sa ginawang dry run sa pagho-host sa game show. “I am very honored na ako ang pumalit sa kanya (Richard). That’s why I want to give my best," anang binata sabay dagdag na ayaw din niyang mawala ang kanyang personalidad. Hindi naman maiwasan na pagkumparahin sila ni Richard sa pagho-host pero ipinaliwanag ni Dingdong na may kanya-kanya silang hosting style. Balak din umano ni Dong na kausapin si Goma para humingi ng tip. Pero gayahin kaya ni Dingdong ang style ni Richard sa paghalik sa mga babaeng contestant? “Gaya ng sabi ko ‘pag ang contestant na ang nag-request at audience e mahirap namang tanggihan ‘yon lalo na kung magkakaroon sila ng konting gana," deklara niya. – Fidel Jimenez, GMANews.TV

LOADING CONTENT