Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alessandra de Rossi goes naked in Indie film


Sa unang pagkakataon ay nag-topless ang young actress na si Alessandra de Rossi sa kanyang bagong Indie movie na Romeo and Juliet. Simula na kaya ito ng kanyang todo-todong pagpapa-sexy sa pelikula? Bagaman nakagawa na ng mga sexy pictorial at fashion show, sa Romeo and Juliet umano ginawa ni Alessandra na maghubad sa harap ng camera dahil lubhang kailangan sa eksena.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing maging ang direktor ng pelikula na si Adolf Alix ay nag-alinlangan noong una na ialok kay Alessandra ang masenang eksena. Ngunit hindi naman pinalampas ng batang aktres ang pagkakataon na gawin ang eksena na itinuturing isang hakbang para sa kanyang paggawa ng mga matured role. Kasama ni Alessandra sa pelikula sina Victor Basa, Max Eigenmann, Jay Manalo, at veteran actress na si Daria Ramirez. Ngunit paglilinaw ni Alessandra, ang paghuhubad niya sa Romeo and Juliet ay hindi raw mangangahulugan na magtutuloy-tuloy na siya sa pagpapaseksi sa pelikula. - Fidel Jimenez, GMANews.TV