Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nanette Inventor: ‘I’m proud to be a Kapampangan’


Goodbye na muna si Nanette Inventor sa kanyang pinasikat na karakter na Donya Buding. Sa bagong reality series ng GMA 7 na Ang Yaman ni Lola, gagampanan ng batikang aktres ang Kapampangan na si Lola Barbie. Sa press conference na ginawa para sa bagong Kapuso series, hindi napigilan ni Nanette na maging emosyonal. Napaluha pa nga siya na tanda umano ng kaligayahan sa kanyang bagong project. Ayon kay entertainment reporter Audrey Carampel, hindi lang pagpapasaya ang hatid ng Ang Yaman ni Lola, hangad din nitong makatulong bilang isang reality show. Sa unang episode, ang mga kasambahay ay magkakaroon ng tiyansang manalo ng P100,000 na ipamimigay ni Lola Barbie.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Sapagkat dati siyang mahirap, kasambahay lang siya, " patungkol ni Nanette sa karakter niyang si Lola Barbie. “Kaya ipinangako niya sa yumaong asawa na ipagpapatuloy niya ang kadakilaan ng puso ng kanyang asawa." Masayang ikinuwento pa ni Nanette sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, na magsasalita siya sa Ang Yaman ni Lola sa diyalekto ng kanyang lalawigang pinagmulan – ang Kapampangan. “Mas mapapalapit ako sa aking mga kababayan, sa mga Kapampangan if I’m going to use that dialect…but the greatest factor is, I want to be proud of being a Kapampangan," pahayag niya. Kasama rin sa cast ng ayAng Yaman ni Lola sina Benjie Paras, Sheryl Cruz, Patricia Ismael at Favio Ide. - FRJimenez, GMANews.TV