Filtered By: Showbiz
Showbiz

Princess Snell officially out of Survivor Philippines


Princess Snell
Pormal na inanunsiyo sa tribal council ng Survivor Philippine Celebrity Showdown nitong Biyernes ang pag-atras sa hit Kapuso reality series ni Starstruck V avenger Princess “Ang Pasaway" Snell. Kasabay nito, sa halip na magbotohan kung sinong castaways ang patatalsikin sa isla, pinaboto ng host na si Richard Gutierrez ang nalalabing 17 celebrities ng kanilang ikatlong tribal leader. Sa live interview ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras, inamin ni Princess na hindi siya nakapaghanda sa pagsabak sa naturang reality series kung saan mananatili ang mga castaways ng 36 days sa isang isla. Idinagdag ng young actress na ang matinding gutom na naramdaman niya sa ikalawang araw pa lang nila sa isla ang nagpahina sa kanyang loob at nagdulot sa kanya ng matinding depresyon. Sa sandaling pananatili sa isla, sinabi ni Princess na napatunayan niya na hindi biro at hindi niya inaasahan ang hirap na haharapin nila sa pagsali sa Survivor. Nang tanungin si Princess kung sasali pa ba siya sa Survivor kung magkakaroon ng susunod na pagkakataon, ang masaya niyang sagot, “Magpapataba muna ako, ang payat payat ko e." Tribal leaders Sa tribal council, ibinigay ni Richard kay Buhawi “Buwi" Meneses ang armband bilang pagkilala sa kanya na first tribal leader. Ito ay makaraang siya ang unang nanalo sa ginanap na physical challenge ng mga castaways. Samantala, kinilala naman kay Ira “The Dancing Warrior" Bermudez bilang ikalawang tribal leader. Sumunod ay pinaboto ni Richard ang lahat ng castaways ng kanilang ikatlong tribal leader na magiging mahalaga umano ang papel sa grupo. Matapos bilangin ang mga boto, nahirang si John "Siga ng Isla" Hall na ikatlong tribal leader dahil sa nakuha niyang walong boto. May bumoto rin para kina Elma “Strong Mama" Muros Muroz, at Doc Ferds “The Boss" Recio - FRJimenez, GMANews.TV