Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sister reveals PNoy is dating stylist Liz Uy


Ibinisto si Pangulong Noynoy Aquino III ng isa niyang kapatid na lumalabas ito kasama ang kanyang 28-anyos na stylist na si Liz Uy. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras, sinabi ng host na si Pia Guanio, na ginawa ni Ballsy Aquino-Cruz ang pagbisto nang dumalo ito sa birthday celebration ni Vice President Jejomar Binay sa Taguig nitong Huwebes. Off cam o wala umanong nakatutok na camera nang ihayag ni Ballsy sa GMA News ang pagdi-date nina PNoy at Liz. Gayunman, nilinaw ng kapatid ng pangulo na non-exclusive ang pagdi-date nina PNoy at Liz. Pinabulaanan din niya na ikakasal na ang dalawa “Hindi ko pa alam na girlfriend na pala niya... Nakakagulat na balita, hindi ko alam baka me manghuhula na nagsabi…alam ko naglalabas pa siya ng ibang mga babae," ayon kay Ballsy.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa mga naunang panayam, si Ballsy rin ang nakapuna na nauugnay ang kanyang kapatid na si PNoy sa mga mas batang babae. Nagsimulang maugnay ang pangulo kay Liz at sa iba pang babae mula nang pumutok ang balita na hiwalay na ito sa nobya naiyang si Valenzuela Councilor Shalani Soledad. Samantala, kapwa tikom naman bibig nina Aquino at Liz tungkol sa mga balita na lumalabas sila. Inamin naman ni Kris Aquino na isa sa mga matalik na kaibigan niya si Liz pero maging ang kontrobersiyal na television host-actress ay ayaw magsalita kung ano ang tunay na namamagitan sa dalawa. - FRJimenez, GMANews.TV

LOADING CONTENT