Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapusong Grace Lee, nililigawan nga ba ni PNoy?


Sa isang pagtitipon sa Cebu last month, nakaagaw ng pansin ni Pangulong Noynoy Aquino ang kagandahan ng Kapuso host na si Grace Lee. Ano na nga ba ang latest sa kanilang dalawa after that encounter? Sa In the Limelight ng GMA News TV 11 nitong Huwebes, ikinuwento ni Grace kung papaano sila nagkakilala ng binatang pangulo. Aniya, doon lamang niya sa Cebu nakilala si PNoy. “Actually hindi naman ako nabanggit sa speech, ang nangyari lang talaga is, parang dun sa introduction ng speech niya he complemented my looks," paliwanag ni Grace na dugong Koreana pero may pusong Pinoy.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa inagurasyon na iyon sa Cebu ng 200-megawatt coal-fired power plant na ginawa ng Korean Electric Power Corp. (Kepco), pinuna ni Noynoy ang mga magagandang dilag ng Cebu kabilang na si Grace na dumalo rin sa naturang okasyon. “Kaya pag inimbita ho ako sa Cebu, hindi ho talaga mahirap maimbita rito. Pati ang bisita nating si Miss Grace Lee, ‘kala ko tuloy Pinay e. Hindi nga pala, Korean. Pero pati yung mga Korean na dumarating talagang gwapa lahat" sambit ng 51-anyos na pangulo. Matapos ang mahigit isang taong relasyon kay Valenzuela Councilor Shalani Soledad, naugnay na si PNoy sa iba't ibang babae. (Basahin: Ang mga babae sa buhay ng binatang Pangulo) Pero ayon kay Grace, sandali lang silang nakapag-usap ni PNoy sa Cebu at sa tingin niya ay nais lamang maging magiliw ng pangulo, at hindi na umano iyon dapat bigyan ng ibang kahulugan. “Walang chance na liligawan ako kaya ‘wag na nating intrigahin ‘yon… hindi naman posibleng mangyari," dagdag niya.