Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose, natupad ang pangarap dahil kay David Archuleta


Masaya at flattered daw ang Kapuso young star na si Julie Anne San Jose sa natanggap niyang magagandang feedback sa naging performance niya bilang front act sa concert ni David Archuleta last Monday night. Sa Araneta Coliseum ginawa ang first solo concert ng American Idol runner up na si David Archuleta kaya natupad na raw ang isa sa mga pangarap ni Julie Ann, ayon sa panayam ng showbiz reporter na si Cata Tibayan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Sobrang saya ko talaga as in, this is one of my dreams na makakanta sa Araneta Coliseum sa harap ng maraming tao," pahayag ng young star sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Nadagdagan pa ang kasiyahan ni Julie Anne nang malaman niya na si David mismo ang pumili sa kanya para makasama sa concert. Hindi rin makalimutan ni Julie Anne ang magandang pakikitungo na ipinakita sa kanya ng international singer. “Pinuntahan n’yo ko sa dressing room… nag-congratulation siya sa’ken tapos sinabi niya okey naman yung performance," masaya niyang kuwento. – FRJimenez, GMA News