Bela Padilla wins two awards at the Asian Super Model in China
Masayang ibinalita ng Kapuso star na si Bela Padilla na sa unang pagkakataon ay may Pinay na nag-uwi ng dalawang award sa sinalihan niyang 2011 Asian Super Model na ginanap kamakailan sa China. Kahit biglaan at walang preparasyon sa pagsali niya sa naturang kompetisyon ng pagandahan ng mga babae mula sa ibaât ibang bansa sa Asya, nakamit pa rin ni Bela ang parangal bilang Miss Friendship at Media's Darling awards. âKinakabahan ako kasi ako ang pinakamaliit sa kompetisyon, Iâm only 5â6 yung ibang girls 6â5, 6â4 tapos ang gaganda," pahayag ng aktres sa In The Limelight ng GMA News TV 11 nitong Martes. Masaya si Bela dahil sa nabigyan daw ng pansin kagandahan ng mga Pinay.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âNatutuwa ako kasi sa lahat ng videos habang nagpa-fashion show, habang nagpi-play ng videos, mga behind the scenes puro ako yung pinapalabas saka China. Parang feeling ko nakilala talaga nila ako dun," kwento pa niya. Maging sa swimsuit competition ay isa raw si Bela sa nakakuha ng pinakamalakas na palakpak âSabi pa ng direktor saâken always daw ang pinapasali sa Pilipinas yung pinakamataba. Sabi niya saâken parang the Filipina contestant might be the fattest but always has the best personality, so nakakatuwa," ayon kay Bela. Ngayon may experience na siya sa beauty contest, lalaban na kaya si Bela sa mga big beauty pageants? âMatagal ko nang tinatarget yung Miss World Philippines pero marami pang preparation muna," anang aktres. - FRJ, GMA News