Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang Kapuso stars, nakisaya sa World Heritage Cities Solidarity Day sa Vigan


Nakisaya ang ilang Kapuso stars sa katatapos na World Heritage Cities Solidarity Day na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur.
 
Tuwing Setyembre 8, idinadaos ng Vigan ang naturang selebrasyon kasama ang ilan pang mga lungsod sa buong mundo na mayroong World Heritage Sites.
 
Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Unang Balita nitong Lunes, isa sa highlight ng pagdiriwang ang parada ng kultura na nagmistulang paglalakbay sa kasaysayan ng nasabing lugar.
 
Maliban dito, nasiyahan din ang mga Kapusong Ilokano sa libreng pagupit sa mga booth ng GMA Network.
 
Todo naman ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga palarong Pinoy na itinampok sa naturang event.
 
Bago naman matapos ang gabi, dinagsa ng fans ang isang pagtatanghal na inihandog ng ilang Kapuso stars.
 
Kasamang nakisaya  sa nasabing pagdiriwang sina Ehra Madrigal, Manilyn Reynes, at ilang cast ng afternoon show na Faithfully. –Mac Macapendeg/KG, GMA News
LOADING CONTENT