Papaano magwawakas ang love story nina Lally, Vincent at Eric sa 'My Husband's Lover'?
Ngayong nalaman na ni Lally ang lihim na relasyon nina Eric at Vincent, lalo pang naging kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa pinag-uusapang Kapuso series na "My Husband's Lover." Kasunod ng pag-amin ni Vincent sa kanyang asawang si Lally na isa rin siyang gay, hindi mapigilan ng ilang tagasubaybay at maging ng cast members ng programa na pag-usapan ang magiging ending nito. Basahin: Pagkakabisto ni Lally sa relasyon nina Eric at Vincent, tinutukan, pinag-usapan Mayroon nga kayang magpaparaya kina Lally (Carla Abella), Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo)? O sa huli ay tuluyang silang magkakanya-kanya ng buhay? Si Lally ang magpaparaya -- Bettina Carlos Para kay Bettina, gumaganap bilang si Vicky na best friend ni Lally, magiging mahirap para sa mga bumubuo ng programa ang pagtatapos nito dahil kailangan nilang maging mas maingat sa mga ipapalabas at sa gagawing takbo ng istorya. "Naglolokohan na lang kami na siguro si General (Roi Vinzon) kaya galit sa bakla, kaya ayaw niya maging bakla anak niya kasi bakla rin siya [at] napilitan din siyang mapangasawa si Miss Kuh (Ledesma), ganyan," kwento niya. Ngunit kung siya raw ang gagawa ng ending ng istorya, sinabi ni Bettina na nais niyang si Lally ang magpalaya kay Vincent. "From Lally's point of view—let my husband go kasi if that's his orientation, if that is what his heart is dictating I'll let him be. Kasi hindi ako mabubuhay knowing na iba yung hinahanap ng puso ng asawa ko," paliwanag niya. Sana happy lahat -- Carla Abellana Hindi naman makapagdesisyon si Carla Abellana sa kaniyang bersyon sa kung papaano dapat magwakas ang My Husband's Lover. Ito'y dahil na rin sa mga institusyon na kailangang bigyang pansin tulad ng Simbahan Katoliko, at lesbians, gays, bisexuals, transgenders (LGBT) community. "Sana happy lahat but that's too perfect," aniya. "Although before naman sa story conference pa lang ng My Husband's Lover, napag-usapan kung ano yung magiging ending... It will change definitely depende sa response ng mga tao." Basahin: 'My Husband's Lover,' kinilala ng LGBT community sa White Party Manila Dagdag pa niya, "Siyempre, gusto natin perfect ending, lahat masaya pero hindi posible. Not everybody will be pleased kasi basically if Vincent and Lally end up together, ang mga gays parang mahu-hurt sila, magiging bitter sila because at the end of the gay pa rin talaga si Vincent." "If we end up with Vincent and Eric, magagalit naman sa'tin ang simbahang Katoliko. Kasi may marriage. Sa totoo lang, it's a big question mark kung paano matatapos ang My Husband's Lover pero sana lang majority will be happy," pagtatapos nito. Magkaroon ng acceptance -- Tom Rodriguez Bagama't ayaw pangunahan ni Tom Rodriguez ang magiging ending ng My Husband's Lover, nais daw niyang makita na magkaroon ng "acceptance" sa tatlong pangunahing karakter ng programa. "A version where there will be some sort of acceptance although it will be hard for Lally's part kasi she spent years being lied to na atleast for Vincent— to be able to accept himself kasi although he is a family man, kaya pa rin naman niyang panindigan ang family niya," paliwanag ni Tom. "At the same time wala siyang niloloko, inaapakang ibang tao kasi 'yon yung ginagawa niya ngayon, eh," dagdag ni Tom. Different partners -- Pancho Magno Kung si Pancho Magno naman ang magbibigay ng kalayaan na wakasan ang My Husband's Lover, nais niyang magkaroon ng kanya-kanyang bagong iibigin sina Lally, Vincent at Eric. "Para sa akin, may kanya-kanya silang buhay, lahat sila. Magiging friends sila pero iba 'yong partners nila in life," pahayag nito. Papasok si Pancho sa naturang serye bilang si Paul, ang lalaking tutulong kay Lally na may matagal nang pagtingin sa kanya.