Filtered By: Showbiz
Showbiz

Karakter ni Keempee de Leon sa My Husband's Lover, dapat abangan


May mga bagong karakter na dapat abangan sa pinag-uusapang Kapuso primetime series na My Husband's Lover. Kabilang sa mga bagong karakter na ito ay si Zandro, ang baklang pinsan ni Vincent na gagampanan ni Keempee de Leon. Kamakailan ay naipakita na ang mga karakter nina Pancho Magno at ng bagong Kapuso actor na si Rodjun Cruz.  Sila ang mga bagong makakasama ng mga pangunahing bida ng serye na sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla Abellana. Sa ulat ni Aubrey Carampel sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Tom na dapat abangan ang karakter ni Zandro dahil may mahalaga itong papel na gagampanan sa buhay ng kanyang karakter na si Vincent at sa asawa nitong si Lally, na ginagampanan ni Carla. "Kay Lally saka sa karakter ko kay Vincent, napakalaki ng impact ni Zandro kaya dapat abangan ng mga manonood yun," ayon kay Tom. Napag-alaman na si Zandro ay baklang pinsan ni Vincent na darating sa magulo nang buhay ng mag-asawa. Kaya patuloy na subaybayan gabi-gabi ang My Husband's Lover pagkatapos ng Mundo Mo'y Akin sa GMA-7. -- FRJimenez, GMA News