Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: TomDen reunites in 'Pepito Manaloto' guesting


Matapos ang matagumpay at internationally-acclaimed teleserye na 'My Husband's Lover,' tila muling makikitang magkasama sa telebisyon ang tamabalang Dennis Trillo at Tom Rodriguez, kasama ang cast ng award-winning Saturday live situational comedy show na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento.'
 
 
Sa isang Instagram post ng aktor na si Ronnie Henares, makikita ang ilan sa cast ng programa, kabilang na si Arthur Solinap at Michael V., kasama sina Tom at Dennis.
 
"WOW!!! DI Lang pala SI @akosimangtomas ang guest namin sa #pepitomanaloto taping today...pati SI @dennistrillo!!!!! ABANGAN tong episode!!! @ michaelbitoy," aniya sa kanyang caption.
 
Mapapanood ang 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento' pagkatapos ng Sabado-badoo sa Sabado Star Power ng GMA-7. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News