Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dating aktres na nag-madre na si Aida Roxas, pumanaw na


Pumanaw na nitong Biyernes ng gabi ang dating aktres na si Aida Roxas na iniwan ang showbiz para mag-madre. Siya ay 72-anyos.

Ayon sa programang Wish Ko Lang ng GMA News and Public Affairs, pumanaw si Aida dahil sa matagal niyang karamdaman.

Nakatakdang ipalabas ngayong Sabado ng hapon (July 25) sa Wish Ko Lang ang kaniyang buhay. Pagbibidahan ito ni Janine Gutierrez na may titulong "Kinang ng Kahapon."

Naging artista si Aida noong dekada 60 at napanood sa ilang pelikula tulad ng Sosayting Dukha, Gahaman, at Bandong Pugante.

Pero hindi nagtagal, tinalikuran niya ang showbiz para ituloy ang kaniyang hangarin na mag-madre.

Pumasok siya sa kumbento sa Amerika pero makalipas ang ilang taon ay dumanas siya ng matinding depresyon hanggang sa takasan ng katinuan.  Kaya naman ibinalik siya Pilipinas para makasama ang kaniyang pamilya.

 

Ikinalulungkot po naming malaman na pumanaw na ang dating artista na si Aida Roxas. Mula po sa lahat ng bumubuo ng Wish...

Posted by Wish Ko Lang on Friday, July 24, 2015


 

Abangan ang pagsasabuhay nina Janine Gutierrez, Ina Feleo at Dexter Doria sa kuwento ng buhay ng dating artista na si Aida Roxas. Bukas na sa #WishKoLang!

Posted by Wish Ko Lang on Thursday, July 23, 2015


 
[FACEBOOK EXCLUSIVE: Wish Ko Lang] Janine Gutierrez bilang "Ai...

Isinabuhay ni Janine Gutierrez ang kuwento ng buhay ng dating artista na si Aida Roxas. Ano kayang aral ang kaniyang natutunan mula rito? Abangan ang natatangi niyang pagganap bukas sa Wish Ko Lang!

Posted by GMA Public Affairs on Friday, July 24, 2015



-- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT