Filtered By: Showbiz
Showbiz
'MGA ISDA SA TUYONG LUPA'

Kapuso teen stars Barbie Forteza, Gabbi Garcia to star in an indie film


Matapos ang matagumpay na pagganap ng Kapuso teen star at “The Half Sisters” actress na si Barbie Forteza sa independent film at Cinemalaya entry na “Mariquina” noong nakaraang taon, na naging daan upang tanghalin siya bilang 2014 Cinemalaya Best Supporting Actress, muling gaganap sa isang independent film ang aktres kasama ang ilan pang Kapuso stars.
 
Nakatakdang bumida sa isang indie film mula sa batikang direktor na si Louie Ignacio sina Barbie, “Let The Love Begin” star na si Gabbi Garcia, at Kapuso hunk na si Rodjun Cruz.
 
Sa isang Instagram post nitong Linggo, ipinasilip ni Rodjun ang naganap na production meeting at script reading kasama ang magiging cast at crew ng pelikulang pinamagatang “Mga Isda sa Tuyong Lupa.”
 
 

#MgaIsdasaTuyongLupa Prod meeting & Script Reading!???????????? #Movie

A photo posted by @rodjuncruz on

 
Kamakailan lamang, ipinagdiwang ni Barbie ang kaniyang 18th birthday, at nagpapasalamat siya sa mga biyayang nakamit at sa mga natamasang tagumpay sa murang edad pa lamang. 
 
Aniya sa naunang pahayag, “Happy ako sa takbo ng buhay ko especially ng career ko. Hindi talaga ako pinabayaan ng GMA. Pagdating naman sa buhay ko, so far ang ganda ng nangyayari sa 'kin. Nakapag-invest na ako, mayroon na kaming bahay, hindi na kami nakatira sa condo, at 'yung van ko nariyan pa rin. Masaya ako kasi karamihan ng mga na-achieve ko sa buhay, na-achieve ko na before ako mag-18."
 
Gayunpaman, patuloy na magiging bukas si Barbie sa mga hamon at panibagong goals ngayong mananatili pa siya ng matagal na panahon sa showbiz.
 
"More challenges, more goals, bigger goals na and looking forward naman ako sa mga ganyang bagay and excited ako," ayon sa Kapuso teen actress. —JST, GMA News
LOADING CONTENT