Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maria Ozawa calls Robin Padilla 'unprofessional'


Kasabay ng pahayag ng kampo ni Robin Padilla hinggil sa pag-atras niya sa pagbibidahan sanang horror-action film na "Nilalang," naglabas ng kaniyang pahayag ang former Japanese adult video star na si Maria Ozawa, na siya sanang magiging leading lady ng aktor.

Ayon kay Maria, nakatakda na sana silang magsimula sa shooting ng pelikula 10 araw mula nitong Martes.
 
"It's not that I really wanted to film with Robin but I think it was so unprofessional of him to call it off 10 days before the shooting starts. I feel so sorry for the film directors, staff, etc.," ani Maria sa isang Instagram post.


Sinagot rin ng aktres ang isang comment na nagtatanggol kay Robin. "If he knew about the pregnancy, he should've said no in the first place."
 
Ayon sa kampo ng aktor, napagdesisyunan ni Robin na umatras sa pelikula upang maalagaan ang kaniyang asawang si Mariel Rodriguez, na nagdadalang-tao sa ikalawang pagkakataon matapos makunan noong Marso.

Kabilang sana ang pelikulang “Nilalang” sa opisyal na mga kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival, bukod pa sa pagiging kauna-unahang starring role ni Maria sa isang Pinoy film. — Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News
LOADING CONTENT