Filtered By: Showbiz
Showbiz
Bakit nga ba?

Sociologist, may paliwanag kung bakit patok ang 'Aldub' tandem


Mula sa bahay, opisina, terminal at maging sa eskwelahan, tinutukan ng mga manonood ang Aldub love saga nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Pero bakit nga ba hit na hit ang kanilang tambalan?

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing tinutukan muli ng mga manonood ang Eat Bulaga na umaasang magkikita na sina Alden at Richards.



Tila nga tumitigil ang oras sa iba't ibang bahagi ng bansa mula sa bahay, sa opisina, sa mga terminal at pati na sa eskuwelahan.

Bukod sa una nilang pagkikita ni Alden, inabangan din ng mga manonood ang pagtapak ni Yaya Dub sa studio ng Eat Bulaga para sa inaabangan niyang performance.

Nagmistulang sinehan ang mga canteen at classrooms ng ilang paaralan sa kanilang breaktime.

Para-paraan din ang ilan sa pagsagap ng signal sa cell phone para makapanood ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

May mga pasahero rin ng MRT na napatigil sa station para mapanood ang kalyeserye.

May grupo ng avid fans ni Maine na tinawag na "Mainians" na nagtungo sa Broadway kung saan ginagawa ang Eat Bulaga.

Ang wish nila, magkatuluyan sina Alden at Yaya Dub.

Pero bakit nga ba gustong-gusto at patok sa mga manonood ang Aldub love team?

Ayon sa sociologist na si Brother Clifford Sorita, marami ang nawiwili kina Alden at Yaya Dub dahil marami ang nakakarelate kay Yaya Dub at sa love story nila ni Alden.

Nakita at naka-relate umano ang mga tao sa natural na katauhan ni Yaya Dub nang ma-conscious ito nang makita niyang pinapanood siya ni Alden na crush talaga ng dalaga sa totoong buhay.



Nakaka-relate rin daw ang mga Pilipino sa sinasabing "Cinderella complex" na nagbibigay ng pag-asa sa mga ordinasyong tao na puwedeng mapansin ng isang popular tao.

Suportado rin daw ng mga Pinoy ang itinuturing "diamond in the rough" kung saan ang isang simpleng babae na tulad ni Maine ay maaaring madiskubre sa isang ordinaryong sitwasyon.

Si Maine ay unang nakilala sa pamamagitan ng kaniyang dubmash videos sa internet. -- FRJ, GMA News

Tags: aldub, yayadub
LOADING CONTENT