Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maria Ozawa, nadamay sa bagong miscarriage ni Mariel Rodriguez


May mga bumabatikos at sumusuporta sa dating Japanese adult film actress na si Maria Ozawa matapos makaladkad ang pangalan at masisisi sa panibagong miscarriage na nangyari sa TV-host at aktres na si Mariel Rodriguez.

Nitong Huwebes, kinumpirma na nakunan muli si Mariel sa triplet sana nilang anak ni Robin Padilla.

Basahin: Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakunan si Mariel sa loob ng taong ito.

Pero ilang netizens ang nagbato ng sisi kay Maria na kaya nakunan si Mariel ay dahil sa negatibong reaksiyon nito nang umatras si Robin sa horror movie na "Nilalang" na pagbibidahan sana nilang dalawa.

Tinawag ni Maria na "unprofessional" si Robin dahil sa desisyon ng aktor na huwag nang ituloy ang pelikula para matutukan ang pagbubuntis ni Mariel.

Kung mayroon mang mga pumuna laban kay Maria, mayroon din namang nagtanggol sa Japanese actress.

Maging si Maria, ipinagtanggol din ang sarili sa Instagram post laban sa mga bumabatikos sa kaniya at sumisisi sa nangyari kay Mariel.

Saad niya, “if u have something to say to me, then say it in english so i can understand u.”

Dagdag pa ni Maria, “and blaiming me for the miscarriage is wrong.”

Tugon naman niya sa post ng isang follower na nagtanong kung masaya siya sa nangyari kay Maria, tugon ng Japanese star, " “why do u sound like as if i wanted that to happen? ur such a crazy person…and cold hearted.”

 

???T???GET?????????????????????????? i got a t-shirt from my fan that has my face printed??

A photo posted by Maria.Ozawa (@maria.ozawa) on



-- FRJ, GMA News