Filtered By: Showbiz
Showbiz

Andrea Torres, may patikim sa kaniyang sexy gravure photobook


Matapos ang ilang buwang paghahanda, inilunsad na ang kauna-unahang gravure photobook ng Kapuso actress at isa sa FHM's Sexiest Women na si Andrea Torres.
 
Pinamagatang “Andrea: Roadtrip” ang naturang libro na naglalaman ng mga larawan ni Andrea na kuha ng batikang celebrity photographer na si Jay Tablante.
 
Sa naunang panayam, sinabi ng “Bubble Gang” star na kakaiba ang naturang proyekto sa mga nagawa niyang photoshoot kaya naman hindi niya naiwasang makaramdam ng kaunting kaba habang ginagawa ang nasabing photobook.
 
Aniya, "Oo, sobrang sexy. At saka hindi siya yung usual kong ginagawa eh.”
 
Gayunpaman, sinabi ng aktres na itinuloy niya ang proyekto dahil itinuturing niyang biyaya ang lahat ng oportunidad na dumarating sa kaniya.
 
"Kailangan open ka na subukan ang iba't ibang bagay. At least blessing ito at nagagawa ko ito na maganda yung look at gusto ko rin magulat sila,” paliwanag ni Andrea.
 
Magkakaroon ng book signing ang aktres sa September 19, SMX Mall of Asia bilang bahagi ng taunang Manila International Book Fair.

Sa kaniyang Instagram account,  nag-post si Andrea ng sample photo na makikita sa kaniyang photo book.

 

Sneak peek! Andrea: Roadtrip ????

A photo posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on



-- FRJ, GMA News
Tags: andreatorres