Filtered By: Showbiz
Showbiz
INFOGRAPHIC

Ang malawak na family tree ng Kalyeserye


Nitong Lunes, nabigyang linaw ang ilang bagay tungkol sa tunay na katauhan ni Yaya Dub.
 
Nitong Sabado, ipinakilala na si Isadora, ang inakala ng lahat na tunay na ina ni Yaya Dub.
 
Sa episode ng Kalyeserye nitong Lunes, ipinaliwanag ni Isadora na siya ang tunay na lola ni Yaya Dub, dahil anak niya at ng nagpintura ng kanilang bakod na si Antonio Palais ang nanay nito na si Ursula.
 
 
Eighteen years old lamang si Ursula nang ipagbuntis niya si Divina Ursula o Yaya Dub, na anak nila ni Dodong, ang hardinero sa mansyon ng magkakapatid. Nasawi si Ursula habang ipinapanganak si Yaya Dub, habang napalayas naman si Dodong sa mansyon dahil sa pagiging iresponsable at sa pagkalulong nito sa bisyo.
 
Pinalabas na katulong lamang ni Lola Nidora ang dalaga nang bumalik si Dodong upang kunin ang kaniyang anak.
 
Mula pagkabata, si Lola Nidora na ang tumayong lola ni Yaya Dub dahil naglayas si Isadora matapos malaman ang sikreto ng kanilang ina-- hindi tunay na kapatid nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora si Isadora dahil inampon lamang ito ng nanay nila mula sa kanilang mayordoma noon.
 
Isiniwalat itong lahat ng magkakapatid dahil nais raw nila na makilala na ni Yaya Dub ang kaniyang sarili bago ang nakatakdang tamang panahon para sa kanila ni Alden sa darating na Sabado. —JST, GMA News