Filtered By: Showbiz
Showbiz

Eat Bulaga, Kalyeserye stars feted in GIC Innovation Awards


Muling nakatanggap ng parangal ang Eat Bulaga at ang mga karakter ng Kalyeserye sa kauna-unahang "Illumine: Global City Innovative College Innovation Awards for Television" na naganap nitong Sabado, November 7.

Hinirang na Most Innovative TV Noontime Show ang Eat Bulaga at Most Innovative TV Child Star ang “Princess in the Palace” star na si Ryzza Mae Dizon.

Tinanggap naman ng komedyante at “Sunday Pinasaya” star na si Wally Bayola ang Most Innovative TV Comedian, habang ibinigay naman ang parangal na Most Innovative TV Loveteam kay Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza.

Kasalukuyang bumibida ngayon sa Kalyeserye si Wally bilang Lola Nidora, Maine bilang Yaya Dub, at si Alden.

Bukod sa GIC Innovation Awards, tinanggap din ng AlDub ngayong taon ang Most Popular Breakout Loveteam award mula sa 2015 EdukCircle Awards. 

Nitong nakaraang buwan lamang, iginawad rin sa phenomenal loveteam, kay Wally, at sa Tape Inc. ang Catholic social media award sa 4th Catholic Social Media Summit dahil sa pagpapalaganap nila ng magagandang asal tulad ng “ virtues, values, chivalry, modesty, morality, and respect for elders.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

LOADING CONTENT