Filtered By: Showbiz
Showbiz

DongYan, AlDub recognized by OFW Gawad Parangal


Kinilala ang ilang Kapuso stars sa naganap na 5th OFW Gawad Parangal noong nakaraang linggo bilang patunay ng kanilang impluwensya sa mga Pilipino maging sa labas ng bansa.

Kabilang sa mga pinarangalan ang Kalyeserye stars at “Eat Bulaga” Dabarkads na sina Dubsmash Queen Maine Mendoza at Pambansang Bae Alden Richards, na kinilala bilang most popular love team at favorite young actress and actor.

Nagwagi rin ang ilan pang Kalyeserye stars, kabilang na si Wally Bayola na kinilala bilang Favorite Actor, at si Jose Manalo na hinirang naman bilang Outstanding Actor.

Most popular couple naman ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na proud parents na rin ngayon matapos isilang ang kanilang panganay na si Maria Letizia nitong Nobyembre.

Kinilala rin sina Dingdong at si Diamond Star Maricel Soriano bilang Best Actor at Best Actress para sa kanilang pagganap sa Kapuso Primetime series na “Ang Dalawang Mrs. Real.”

Binigyang-parangal naman ang GMA News Online bilang Outstanding News for OFWs. —Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News