Filtered By: Showbiz
Showbiz

AlDub, first couple front cover ng Cosmopolitan magazine


Tampok ang phenomenal loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards sa cover ng women's magazine na Cosmopolitan para sa buwan ng Pebrero.

Ayon sa Facebook post ng naturang magazine, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng couple sa kanilang front cover.

Tampok sa February issue ng naturang magazine ang dalawang front cover at "15 kilig-worthy pages."

"There's no better pair than AlDub to slay Cosmo's FIRST-EVER couple front cover!" ayon sa Facebook post ng Cosmopolitan Philippines.

 

 

Noong nakaraang taon, naging sunod-sunod din ang magazine covers ng phenomenal AlDub loveteam.

Kabilang na sa mga pinagbidahan nilang magazines ang Meg, Mega Man, Preview, Inside Showbiz, People Asia, BizNews Asia, at marami pang iba. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Tags: aldub