Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

AlDub, DongYan lead Kapuso winners at Anak TV Seal Awards


 
 
 
 
 
 

 

Pinarangalan ng Anak TV ngayong taon ang ilang mga artista at programang makabata, na nagtuturo ng mabubuting aral at magagandang asal sa mga bata.

Sa pamamagitan ng boto mula sa mga magulang, guro, at iba't ibang non-government organizations, kinikilala ng Anak TV ang mga natatanging artista at programang maituturing na “wholesome at child-friendly.”

Kabilang ang 21 programa ng GMA Network at GMA News TV sa mga nagawaran ng Anak TV seal ngayong taon.

Kasama rito ang “Aha!”; “Alamat”; “Born To Be Wild”; “Del Monte Kitchenomics”; “I-Bilib”; “Kapuso Mo, Jessica Soho”; “Let’s Fiesta”; “Pari Koy”; “Pepito Manaloto”; “Pinoy MD”; “Sarap Diva”; “Sarap with Family”; “Tropang Potchi”; “Wish Ko Lang”; “Ang Pinaka”; “Biyahe ni Drew”; “Good News”. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News