Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards' album 'Wish I May' reaches quadruple platinum status


Patuloy ang pagkilala sa Pambansang Bae at Kapuso host-actor na si Alden Richards bilang isang artista at recording artist.

Nitong Linggo, tinanggap ng “Eat Bulaga!” Dabarkads at “Sunday Pinasaya” star ang quadruple platinum award para sa kaniyang album na “Wish I May.”

 

Apat na buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang opisyal na ilunsad ang pinakabagong album ng Kapuso heartthrob, at mula noon ay naging sunud-sunod nga ang parangal na tinanggap niya.

Disyembre noong nakaraang taon nang tanggapin ni Alden ang Double Platinum Award para sa “Wish I May.”

Matatandaang opisyal na inilabas ang naturang album noon lamang Oktubre 2015, at makalipas ang tatlong buwan ay nakabenta na nga ito ng humigit-kumulang tatlong milyong kopya sa loob at labas ng bansa.

Tinanggap rin ng binata noong Enero ang platinum award para sa kaniyang single na “Wish I May.” —ALG, GMA News