Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Dating child star na nawala sa showbiz, napiling tulungan ni Glaiza de Castro


Sa episode ng Wish Ko Lang nitong Sabado, ang singer-actress na si Glaiza de Castro ang napiling maghanap ng taong nais niyang tulungan para magbago ang buhay. Ang naisip ni Glaiza, ang isang dating child star na si Angeline Nicole Sanoy.

Nawalan ng kislap ang mga bituin ni Nicole habang lumalaki dahil nawawalan na ng akmang role na puwede niyang gampanan. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng mga proyekto at hindi na nakatulong sa kaniyang mga magulang.

Umaasa si Glaiza na sa pamamagitan ng tulong ng Wish Ko Lang, makababalik si Nicole sa showbizness at maihahanda rin nito ang sarili sa mga pagsubok sa buhay.

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT