Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Alden Richards calls Maine Mendoza his 'girlfriend'    


Marami ang kinilig nang gumanap bilang magkasintahan sina Maine Mendoza at Alden Richards para sa “Dos Lolos” segment ng weekly comedy variety show na “Sunday Pinasaya” nitong Linggo.

Sa naturang skit, nagpakilala bilang Richard at Maine ang dalawa, hango sa kanilang mga tunay na pangalan.

Matapos ang ilang sandali, ipinakilala naman ng Pambansang Bae ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart sa dalawang lolo, at sinabing “Girlfriend ko.”

Nang tanungin kung gaano na sila katagal magkasintahan, sagot ni Maine, “One month na po.”

Hindi man ito ang opisyal na kumpirmasyon ng kanilang relationship status sa tunay na buhay, marami pa rin ang kinilig sa “rebelasyon” na ginawa ng phenomenal loveteam.

— APG, GMA News