Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine Mendoza, Alden Richards arrive in Italy for film shooting


Dumating na sa Italy noong Lunes ang phenomenal Kalyeserye loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa shooting na kanilang kauna-unahan at inaabangang movie.

Matatandaang nagpaalam ang dalawa sa "Eat Bulaga!" nitong Sabado upang sandaling pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng kanilang pelikula.

Ayon kay Maine, “Ang bilis nga po ng panahon kasi wala pang one year na magkakasama tayo... araw-araw magkakasama tayo, tapos ngayon mawawala kami ni Alden. Babalik naman po kami, kasi gagawa lang naman po kaming pelikula.”

“Sana po patuloy niyo kaming suportahan ni Maine sa lahat ng ginagawa namin. Nandito lang po kami para sa inyong lahat, anumang pagsubok, walang bibitiw,” dugtong naman ni Alden.

Mainit ang naging pagtanggap sa AlDub kasabay ng kanilang pagdating sa Malpensa Airport sa MIlan, Italy.

 

 

Inaasahang ipapalabas ang pelikulang pagbibidahan nina Alden at Maine ngayong taon, kasabay ng kanilang unang anibersaryo bilang loveteam.

Narito ang ilan pang tagpo mula sa kanilang arrival sa Italy nitong Lunes mula sa kanilang mga tagahanga:

APG, GMA News

Tags: aldub